Wednesday, February 6, 2013

APLIKASYON PARA SA SERTIPIKO SA MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO, BATCH 2013



APLIKASYON PARA SA SERTIPIKO SA MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO, BATCH 2013

Muling binubuksan ang aplikasyon para sa Sertipiko sa Malilkhaing Pagsulat, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Para sa mga interesadong lumahok sa programa, inaasahang maibibigay ang mga sumusunod na kahingian: (1) Photocopy ng high school report card, may GWA na 80 (1st - 3rd year high school at 1st - 3rd quarter ng 4th year; dapat ay 85 ang average sa Filipino at Ingles), (2) koleksyon ng mga orihinal na malikhaing akda (dalawa hanggang tatlo sa alinman sa mga sumusunod: tula, maikling kuwento o nobeleta, dula, kuwentong pambata, teleplay o script sa pelikula, sanaysay), (3) Rekomendasyon mula sa isang dating guro na naglalaman ng mga napanalunang kompetisyon, trabaho sa dyaryo at/o school paper, mga na-publish at mga katulad na impormasyong may kinalaman sa pagsusulat, pagtatanghal at kawangis na gawain. Pebrero 11 hanggang Marso 8 ang application period, Marso 14, 4:00 - 5:00 n.h. ang oryentasyon ng mga aplikante, Marso 15, 1:00 - 4:00 n.h. ang written exam, at Marso 23, 9:00 n.u. - 5:00 n.h. ang panayam. Inaasahang maipapabatid ang listahan ng mga napiling aplikante sa Abril 12, 2013.

Para sa karagdagang impormasyon, hanapin si Prop. U Eliserio sa 9244899, o magpadala ng email sa smpfdfppcalupd@gmail.com. May karagdagan ding impormasyon sa website ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, http://kal.upd.edu.ph/dfpl_index.php?p=38 . May downloadable application form sa http://dl.dropbox.com/u/10132188/smpf-appform.pdf. Para sa listahan ng kailangan pumunta sa http://aplikasyonsmpf.blogspot.com/2013/02/mga-kahingian-sa-pagpasok-sa-smpf.html.

The Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas of the University of the Philippines, Diliman is now accepting applications for the Certificate in Creating Writing in Filipino program. Requirements: (1) Photocopy of high school report card, GWA must be 80 (1st - 3rd year high school and 1st - 3rd quarter of the 4th year; an average of 85 in Filipino and English is required), (2) collection of original creative works (two to threee of any of the following: poems, short stories or novellas, plays, teleplays, screenplays, stories for children, essays), (3) Recommendation letter from a former teacher that inclues prizes won, work in the school newspaper, any information relevant to writing and performance and similar activities. The application period is from February 11 to March 8, students' orientation will be held on March 14, 4 - 5 pm, the written exam will be held on March 15, 1 pm to 4 pm, interviews will be held on March 23, 9 am to 5 pm. A list of accepted applicants will be released on April 12, 2013.

For more information, contact Prof. U Eliserio at 9244899, o send an email to smpfdfppcalupd@gmail.com. Additional information may be found at the College of Arts and Letters' website, http://kal.upd.edu.ph/dfpl_index.php?p=38. There is a downloadable application for at http://dl.dropbox.com/u/10132188/smpf-appform.pdf. For the list of requirements see: http://aplikasyonsmpf.blogspot.com/2013/02/mga-kahingian-sa-pagpasok-sa-smpf.html.

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF



SERTIPIKO NG MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO (SMPF)
Para sa Akademikong Taon 2013-2014

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF:

1. Nagtapos ng High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging freshman sa kolehiyo

2. Pagpasa sa qualifying test at interview na ibibigay ng Departamento sa takdang panahon

3. Nasagutang application form

4. Certified photocopy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (1st-3rd year High School at 1st-3rd quarter ng 4th year)

5. Halimbawa ng mga nagawang akda (kombinasyon ng dalawang hanggang tatlo mula sa mga sumusunod):

a. tula
b. maikling kuwento
c. maikling sanaysay
d. kuwentong pambata
e. nobela o nobeleta
f. dula
g. teleplay o skrip sa pelikula

6. Halimbawa ng mga sulatin o malikhaing akdang nailathala sa school paper o/at sa ibang publikasyon, kung mayroon

7. Rekomendasyon mula sa isang dating guro sa larangan ng panitikan, wika, o/at malikhaing pagsulat

8. P400.00 na application fee (non-refundable, marapat munang isumite ang application form at mga kahingian bago magbayad)

9. Agreement Letter sa pagitan ng Departamento at Estudyante ukol sa mga rekisitos at pribilehiyo sa pagpasok sa kursong SMPF

10. Interbyu ng Tagapangasiwang Komite sa Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat

11. Pagpapatibay ng Tagapangasiwa sa Programang Di-gradwado

12. Pagpapatibay ng Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP)

13. Pagpapatibay ng kaguruan ng DFPP

14. Pagpapatibay ng tanggapan ng Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura
Paalala: ang mga numerong 3-7 ay dapat may 6 na kopya. Tiyaking may 6 na set na nakalagay sa tig-iisang folder na nakasuksok sa isang envelope. HINDI tatanggapin ang mga aplikasyon na hindi kumpleto ang mga kahingian at bilang ng mga kopya. Lagyan ng pangalan ang labas ng envelope.

Mga Importanteng Petsa:
Pagtanggap ng aplikasyon - 11 Pebrero – 8 Marso 2013
Oryentasyon para sa mga aplikante - 14 Marso 2013, 4:00 n.h., DFPP AVR
Written Exam - 15 Marso 2013, 1:00-4:00 n.h.
Interview - 23 Marso 2013, 9:00 n.u. – 5:00 n.h.
Resulta ng aplikasyon - 12 Abril 2013