Wednesday, February 6, 2013

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF



SERTIPIKO NG MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO (SMPF)
Para sa Akademikong Taon 2013-2014

MGA KAHINGIAN SA PAGPASOK SA SMPF:

1. Nagtapos ng High School o mga bukas sa pagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo mula sa pagiging freshman sa kolehiyo

2. Pagpasa sa qualifying test at interview na ibibigay ng Departamento sa takdang panahon

3. Nasagutang application form

4. Certified photocopy ng High School Report Card (Form 137), may GWA na 85 (1st-3rd year High School at 1st-3rd quarter ng 4th year)

5. Halimbawa ng mga nagawang akda (kombinasyon ng dalawang hanggang tatlo mula sa mga sumusunod):

a. tula
b. maikling kuwento
c. maikling sanaysay
d. kuwentong pambata
e. nobela o nobeleta
f. dula
g. teleplay o skrip sa pelikula

6. Halimbawa ng mga sulatin o malikhaing akdang nailathala sa school paper o/at sa ibang publikasyon, kung mayroon

7. Rekomendasyon mula sa isang dating guro sa larangan ng panitikan, wika, o/at malikhaing pagsulat

8. P400.00 na application fee (non-refundable, marapat munang isumite ang application form at mga kahingian bago magbayad)

9. Agreement Letter sa pagitan ng Departamento at Estudyante ukol sa mga rekisitos at pribilehiyo sa pagpasok sa kursong SMPF

10. Interbyu ng Tagapangasiwang Komite sa Sertipiko ng Malikhaing Pagsulat

11. Pagpapatibay ng Tagapangasiwa sa Programang Di-gradwado

12. Pagpapatibay ng Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP)

13. Pagpapatibay ng kaguruan ng DFPP

14. Pagpapatibay ng tanggapan ng Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura
Paalala: ang mga numerong 3-7 ay dapat may 6 na kopya. Tiyaking may 6 na set na nakalagay sa tig-iisang folder na nakasuksok sa isang envelope. HINDI tatanggapin ang mga aplikasyon na hindi kumpleto ang mga kahingian at bilang ng mga kopya. Lagyan ng pangalan ang labas ng envelope.

Mga Importanteng Petsa:
Pagtanggap ng aplikasyon - 11 Pebrero – 8 Marso 2013
Oryentasyon para sa mga aplikante - 14 Marso 2013, 4:00 n.h., DFPP AVR
Written Exam - 15 Marso 2013, 1:00-4:00 n.h.
Interview - 23 Marso 2013, 9:00 n.u. – 5:00 n.h.
Resulta ng aplikasyon - 12 Abril 2013

No comments:

Post a Comment